TAX-FREE OVERTIME PAY IGINIIT SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

BINUHAY ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang panukala nito na gawing tax- free ang overtime pay ng mga government at private sector workers.

Sa panukala ni Recto, nais nitong amyendahan ang tax code upang maisama sa mga tax-exempt items ang overtime pay.

Aminado ang mambabatas na magdudulot ito ng kabawasan sa kita ng gobyerno subalit mas maraming income naman anya ang matatanggap ng mga manggagawa na kinalaunan ay gagamitin nila sa panggastos.

“This, in turn, would trigger demand for more goods and services thereby stimulate activities in the industrial and service sectors and eventually generate more taxes,” paliwanag ng senador.

Sa kanyang Senate Bill No. 601, inaasahan ni Recto na 26.7 milyong wage at salary workers mula sa private at public sectors ang makikinabang.

“An employee who renders overtime work puts in additional hours of work and requires greater physical and mental effort. Instead of being able to rest early and spend more time with the family, the employee is forced to extend the working hours to achieve the organization’s goals. Thus, it is only fitting that the employee is properly compensated for additional work hours rendered,” diin ni Recto.

Sa ilalim ng Labor Code, nakasaad na walong oras lamang ang dapat na trabaho ng mga manggagawa sa loob ng anim na araw.

Kung sosobra sa walong oras, magbabayad ang employer ng 25 percent ng his regular wage ng manggagawa at kung bumagsak ito sa holiday o rest day, dagdag pang 30% ang tatanggapin.

 

235

Related posts

Leave a Comment