TEENAGE PREGNANCY, LULUNASAN SA SENADO

buntis44

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

ISINUSULONG ni Senador Risa Hontiveros ang panukala upang maiwasan ang teenage pregnancy upang masolusyunan ang dumaraming batang ina na maituturing anyang national social emergency.

“Para maiwasan ang pagdami ng mga batang ina, pang-unawa, edukasyon at tulong medikal ang kailangan, hindi ang pananakot o pangungutya,” saad ni Hontiveros.

Sa tala, nasa 15% hanggang 18% ng teenage girls sa Davao, Northern Mindanao at Socckscsargen ay maagang nagbubuntis.

Naniniwala ang senador na ang solusyon ay dapat sa pamamagitan ng batas na nakapokus sa mga dahilan ng teenage pregnancy tulad ng kawalan ng tamang kaalaman ng kabataan at kawalan ng access sa reproductive health services.

Sa kanyang Senate Bill 161 o ang proposed “Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2018,” iginigiit ni Hontiveros na pangunahan ng gobyerno ang komprehensibong age-appropriate sexuality education na sasaklaw sa sex, gender at reproductive health issues upang mabigyan ng dagdag na kalaaman ang mga teenager at ang kanilang mga magulang.

Alinsunod sa panukala, saklaw ng programa ang public at private schools, universities at maging those out-of-school youth.

Oobligahin din sa panukala ang gobyerno na magbigay ng social protection programs sa teenage mothers, kabilang na ang maternal health services, workshops, at livelihood programs.

Nakapaloob din dito ang mandatory provision para sa medical, legal at iba pang serbisyo sa teenage mothers na biktima ng sexual abuse o violence.

143

Related posts

Leave a Comment