(NI ABBY MENDOZA)
PINAYAPA ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na wala itong dapat ikabahala sa isyu ng term sharing nila sa speakership ng House of Representatives.
Ang pahayag ay ginawa ni Cayetano sa harap na rin ng panawagan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na dapat ituloy na ni Cayetano ang speakership sa loob ng 3 taon at isantabi na ang term sharing.
Ang posisyon ni Barzaga ay dahil na rin sa mataas na approval at trust rating na nakuha ni Cayetano sa survey na nasa 64 % at 62% na kauna-unahan sa kasaysayan ng Kamara.
“His high trust and approval ratings in the latest Pulse Asia would be a groundswell among House members and the
public for him to stay on. So why change or swap horses in midstream? We might as
well retain him as our Speaker for three years until June 30, 2022,”nauna nang pahayag ni Barzaga.
Bilang tugon, sinabi ni Cayetano na nagpapasalamat siya sa suporta sa kanyang liderato gayunpaman, ang usapin sa House Speakership ay nasa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Siguro focus tayo sa trabaho na lamang muna, no use of talking about something na malayo pa. But wala namang dapat ikaba iyung kahit sino kasi nga lahat naman tayo ay sumasang-ayon na ang Pangulo ang magde-decide, and so far mayroon siyang standing the decision, so far that stands,” pagtiyak ni Cayetano.
135