TIWALI, WAWALISIN SA BAGONG PAMUNUAN NG BJMP

bjmp123

(NI JEDI PIA REYES)

TINIYAK ng bagong pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang paglilinis ng hanay nito sa harap ng mga ulat na may ilang jail officers ang nasasangkot sa mga ilegal na aktibidad.

Tinukoy ni BJMP officer-in-charge Chief Superintendent Allan Iral ang tinawag nitong 4G management strategy: Guard the Gate, Guard the Badge, Guard the Purse at Guard the Life.

Sa ilalim aniya ng Guard the Badge, sisibakin ang mga tauhan ng BJMP na masasangkot sa iregularidad tulad ng illegal drug trade.

“‘Yan ang isa sa mga directive ko po sa regional directors na dapat lahat ng personnel natin na involved sa ilegal na droga ay kailangang tanggalin sa serbisyo,” diin ni Iral.
Tinukoy ni Iral ang dalawang BJMP personnel na nadidiin ngayon sa pagkakasangkot umano sa ilegal na droga.

“Hindi po tayo nagdadalawang-isip. Actually kahapon may inendorse po ako for confirmation, dismissal from the service kay Secretary DILG  na iconfirm niya ‘yung dismissal from the service ng personnel namin na involved sa illegal drugs. Pag naconfirm po ‘yun, wala na… outright dismissal from the service,” pahayag ni Iral.

Binanggit pa ni Iral na magsasagawa ang BJMP ng sorpresang drug test sa bawat quarter ng taon upang mahuli ang mga nasasangkot sa illegal drug trade.

Kumikilos din aniya ang Directorate of Intelligence ng BJMP para bantayan ang mga aktibidad ng kanilang mga tauhan at makasuhan hanggang sa masibak ang matutukoy na mga lumalabag sa batas.

 

 

134

Related posts

Leave a Comment