TURISTA, BAKASYUNISTA DAGSA NA SA PANTALAN

ports12

(Ni FRANCIS SORIANO)

HINDI pa man opisyal na nagsisimula ang Mahal na Araw ay nakapagtala ng mas maraming byahero na dumagsa sa mga pantalan, Martes ng hapon.

Ayon kay spokesperson Capt. Armand Balilo ng Philippine Coast Guard (PCG), layunin ng pamunuan na matiyak ang mahigpit na seguridad at kaligtasan sa mga pantalan at maging sa mga dalampasigan ng bansa sa ganitong panahon.

Bunsod nito ay muling nagpaalala ang PCG,  sa mga byahero at mga sasakyang pandagat na sumunod sa alituntunin para maiwasan magkaroon ng sakuna o trahedya.

Dagdag nito, inaasahan pa nila ang pagdadagsa ng maraming byahero sa darating na linggo.

 

137

Related posts

Leave a Comment