TRABAHO NI DIGONG TULOY KAHIT SEMANA SANTA

HINDI hadlang ang paggunita ng Semana Santa kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil maaari siyang magtrabaho kahit pa pista opisyal.

Ito ang tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos magbakasyon din ang buong bansa ngayong Huwebes Santo at Biyernes Santo.

“There’s always a skeletal force and even the President is in Davao City, he is always joined by the PMS (Presidential Management Staff),” sabi ni Nograles sa media forum nitong Miyerkoles.

“Kung kailangan siya, pwede naman siyang pumunta ng Malacanang. Pwede rin naman sa kanyang bahay sa Davao. Walang problema doon,” ayon pa kay Nograles.

Nauna nang sinabi ni Duterte na sa kanyang bahay sa Davao City siya mananatili ngayong Holy Week tulad na nang nakagawian tuwing Mahal na Araw.

64

Related posts

Leave a Comment