PALUSOT NG COMELEC SA ABERYA SA OV INALMAHAN NG NETIZENS

comelec james12

(NI MAC CABREROS)

IKINAGALIT ng mga kababayan ang paliwanag ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa aberya sa overseas voting (0V).

Sa Facebook post, inihayag ng mga kababayan na ‘laging nagpapalusot’ ang Comelec kapag mayroong palpak sa botohan.

Giit naman ng isang netizen na “hindi maliit na problema! Malaking bagay sa bawat botante na kailangang mabilang ang kanilang boto.”

Ang ngitngit ng netizens ay matapos ihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez na ‘minor incident’ lamang ang mga aberya na naganap sa ilang bansa.

Nagpaabot ng agam-agam ang Pinoy voters sa Kingdom of Saudi Arabia, Italy at HongKong, sa posibilidad na magkakaroon ng dayaan dito.

Sa Facebook post ni Juan Carlo na ini-share ni Roberto Baluyot ng Duterte and Marcos Unite Supporters, pumalya ang makina ng Comelec sa Jeddah, KSA.

“Pangalawang araw pa lang ng absentee voting (OFWs) sa Jeddah, KSA, sira na ang PCOS machine, ayaw kainin ang balota naming,” post ni Juan Carlo.

Sinikap nilang kunan ng litrato ngunit  pinagbawalan sila ng nagtitimon ng voting precinct.

134

Related posts

Leave a Comment