‘TRANSPORTASYON NG RELIEF GOODS, GAWING LIBRE’

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang panukala na naglalayong gawing libre ang transportasyon ng mga relief goods sa mga lugar na nangangailangan ng tulong sa gitna ng mga kalamidad.

Sa Senate Bill 1151, sinabi ni Lapid na halos 20 bagyo ang nananalasa sa Pilipinas taun-taon at sa panahon ng kalamidad marami sa mga mamamayang mula sa hindi tinamaang lugar ay nagpapadala ng tulong sa mga biktima lalo pa’t hindi lahat nang pangangailangan ay natutugunan ng gobyerno.

“An example of this is the logistical hurdles in mobilizing relief packages and material aid across the different calamity-stricken areas,” saad ni Lapid.

Binigyang-diin pa ni Lapid ang ‘archipelagic set up’ ng bansa kaya nagiging mahal ang transportasyon ng mga relief good.

“With the archipelagic set up of our country, transporting relief goods normally entail huge costs in freight, arrastre services, pilotage and other port charges especially if it will require inter-island crossing or travelling across long distances over land,” dagdag ni Lapid.

Naniniwala ang senador na kung magiging libre ang transportasyon ng mga relief goods, ang pera para sa padala ay maaari pang gamitin sa pagbili ng mas maraming relief goods katulad ng pagkain.

“This bill seeks to institutionalize a system of providing free freight services in the transportation of relief goods to calamity-stricken areas in favor of duly recognized relief organizations,” sabi ni Lapid.

Sa ilalim ng panukala, ang Office of Civil Defense (OCD), Philippine Postal Corporation at lahat ng freight companies, common carriers, private carriers, freight forwarders, at iba pang uri ng logistics service companies ay aatasan na magbigay ng libreng serbisyo sa paghahatid ng mga relief goods sa mga lugar na isasailalim sa state of calamity.

Ang Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng Civil Aeronautics Board (CAB), Maritime Industry Authority (MARINA), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang magpapatupad ng panukala kapag naging batas.

 

205

Related posts

Leave a Comment