(Ni NOEL ABUEL)
PANSAMANTALANG nakalaya si Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ng mga kasong libelo o paninirang-puri na isinampa laban sa kanya nina Presidential son Paolo Duterte at bayaw ni-tong si Atty. Mans Carpio matapos itong magpiyansa ng P96,000.
Si Carpio ay asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Dakong 10:30 a.m. umaga nang dumating sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 118 si Trillanes, kasama ang kanyang abogado na si Atty. Rey Robles kung saan tig-P24,000 ang pyansiya niya sa apat na kaso ng paninirang-puri.
Kinasuhan nina Duterte at Carpio si Trillanes ng apat na kasong libelo sa korte ng Davao City dahil kumbinsido ang dalawa na sinira ang kanilang pagkatao ng senador nang akusahan sila ng korapsyon at pangingikil
Dahil sa piyansa, binawi ng korte ang inilabas nitong warrant of arrest laban sa senador.
Kaya, pansamantalang nakalaya ang senador.
167