(NI KIKO CUETO)
MAY magandang naidulot ang malakas na buhos ng ulan nang dahil sa Bagyong Tisoy.
Ito’y dahil tumaas ang tubig sa Angat Dam.
Ayon kay Pagasa hydrologist Danilo Flores, umakyat ng 4.5 meters ang level ng tubig.
Base ito sa inilabas datos ng Pagasa, kung saan ikinumpara ang level ng tubig sa alas-6:00 ng umaga noong Martes sa lebel ng tubig kanilang alas-6:00 ng umaga, Miyerkules.
Nasa 193.37 meters na ito, pero malayo pa rin ito sa 210-meter level.
Sinabi naman ni Flores na sa susunod na araw, aasahan nila ang pagbagsak pa ng tubig sa Angat Dam.
Pinayuhan naman ni Flores ang mga residente ng Metro Manila na magtipid pa rin ng tubig.
Inaasahan din na magkakaroon pa ng isang bagyo bago matapos ang taon.
182