TUBIG SA ANGAT DAM, PATULOY SA PAGBABA

angatdam77

(NI DAHLIA S. ANIN)

PATULOY sa pagbaba ang antas ng tubig sa Angat dam, kahit na nagkaroon ng kalat-kalat na pag-ulan sa buong bansa.

Sa pinakahuling tala ng monitoring ng PAGASA, mula sa 185.41 meters ay bumaba ito sa 185.39 meters.

Maging ang ibang dam sa Luzon ay bumaba rin ang lebel ng tubig tulad ng Ipo dam mula sa 100.31 meters ay bumaba sa 100.29 meters, La Mesa dam na bumaba din sa 77.37 mula sa 77.39 meters at Caliraya dam na mula sa 286.37 meters ay bumaba sa 286.34 meters.

Patuloy naman ang rotational water interruption na pinatutupad ng mga water concessionaire sa Metro Manila at ibang karatig probinsya na ang pangunahing suplay ng tubig ay galing sa Angat.

Ayon kay Analiza Solis, ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, kailangan ng 900 hanggang 1000 millimeters ng tubig ulan ang Angat watershed.

Subalit, noong Oktubre ay umabot lamang sa 29 mm ng tubig ulan ang nakuha nito kaya patuloy sa pagbaba ang antas ng tubig sa nasabing water reservoir.

 

209

Related posts

Leave a Comment