TUBIG SA SAKAHAN KAPOS PA RIN

irigasyon12

MAARING matugunan ng Angat Dam ang demand sa mga household o mga bahay hanggang sa tag-init o summer ngunit mananatiling taghirap ang suplay sa mga sakahan, ayon na rin sa state agency na siyang nangangasiwa sa reservoir.

Ito’y sa kabila nang mas gumagandang lebel ng tubig sa Angat.

Pero nilinaw ni National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr., na hindi nito masasakop ang pangangailangan sa irrigation ng mga magsasaka sa Central Luzon.

“Sa tingin naman po natin kaya natin ito i-maintain hanggang summer po bago umabot ang panahon ng tag-ulan,” sinabi nito sa DZMM radio.

Ang ulan na dala ng Bagyong Ursula ang nagpataas sa lebel ng tubig sa Angat.

Ang allocation para sa Metro Manila households ay itinaas na sa 42 cubic meters per second (cms) mula sa 40 cms dahil dito.

Pero mas mababa pa rin ito sa normal na 46 cms.

Ang tubig para sa irigasyon ay itinaas naman sa 20 cms mula sa 10 cms.

“Patuloy pa rin po ang ating panawagan na gamitin nang tama ang tubig at magtipid po tayo para hindi naman masyado makaapekto itong kakulangan,” pahayag nito. (KIKO CUETO)

211

Related posts

Leave a Comment