TUGBO NATURAL BIOTIC AREA, PROTECTED AREA NA SA ILALIM NG NIPAS

KABILANG na ang Tugbo Natural Biotic Area (TNBA) na nasa Masbate City at munisipalidad ng Mobo sa Masbate Province sa Protected Areas (PAs) ng bansa sa ilalim ng Republic Act (RA) 11806 na naging batas noong June 2022, sabi ni Senator Cynthia A. Villar.

Idinedeklara ng RA 11806 na pangangasiwaan ang naturang protected area sa ilalim ng National Integrated Protected Area System (NIPAS). Ito ay paglalaanan din ng pondo para sa kanilang proteksyon.

Inakda at isinulong nina Villar, chairperson ng Senate Committee on Natural Resources and Climate Change, at Rep. Elisa “Olga” Kho (Masbate, 2nd District) sa lower House, ang deklarasyon ng 255-hectare TNBA bilang PA.

Ang TBNA ang pangunahing pinagkukunan ng tubig at tirahan ng iba’t-ibang endemic flora and fauna kabilang ang wild bird species.

“The law states that TBNA is acknowledged a protected area ‘in recognition of the richness of its biological resources, both flora and fauna, that are native and distinct to the Tugbo Watershed Forest Reserve as well as their aesthetic and ecological importance,” ani Villar.

Sanhi nito, itinatakda ng batas ang konserbasyon, proteksyon, rehabilitasyon at epektibong administrasyon ng TBNA na magiging posible sa kooperasyon ng national government, concerned local government unit, non-government agencies, private entities at local communities.

Isinasaad din sa batas ang ganito-“the enjoyment of the area must be consistent with the principles of biological diversity and sustainable development”.

Matapos mapabilang ang TNBA sa protected area, umabot na sa 113 ang legislated protected areas sa bansa.

Subalit, binanggit din ni Villar na marami pang kailangang trabahuhin dahil sa marami pang lugar ang dapat bigyan ng protected status sa pamamagitan ng legislative action upang matiyak ang konserbasyon.

Isinulong din ni Villar ang pagsasabatas ng RA No. 11038 o ang Expanded NIPAS Act of 2018 na pinalalakas ang legal framework sa pagtatatag, pamamahala at pagpapanatili ng lahat na PAs sa bansa o yaong mga tinukoy na ‘ecologically rich and biologically important public lands.

Isang landmark na batas ang Expanded NIPAS Act dahil mapapadali nito ang legislation ng ninety four (94) protected areas oPAs bukod sa karagdagang addition 13 PAs na ‘individually legislated’ sa ilalim ng operasyon ng orihinal na NIPAS law. (ESTONG REYES)

62

Related posts

Leave a Comment