LINGID sa kaalaman ng karamihan, tuluy-tuloy ang pagtulong ng tanggapan ng Tingog Party-list, sa pangunguna ni Rep. Yedda Marie K. Romualdez, sa mga nangangailangan.
Katuwang ang administrasyong Marcos, walang sawang nagpapaabot ng tulong si Cong. Romualdez, maybahay ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa mamamayan ng bansa na naapektuhan ng iba’t ibang uri ng kalamidad.
Matatandaang kamakailan lamang ay namahagi sila ng tig-P3,000 cash assistance sa may 600 oil spill victims sa Oriental Mindoro.
Bukod sa tulong sa oil spill sa Mindoro, ilang kalamidad na rin tulad ng mga pagbaha sa Visayas at Mindanao at malalaking sunog ang inabutan ng ayuda ng Tingog party-list.
“We just want to help those who are in need. Sabihin na natin na we are just sharing our blessings,” ayon kay Cong. Romualdez.
Nagkaloob din ang Tingog, sa pakikipagtulungan sa Office of the Speaker, ng $100,000 financial assistance sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Turkey ilang buwan na ang nakararaan.
Bukod dito, namahagi rin sila ng tulong pinansyal sa may 1,653 pamilya sa Davao de Oro, na naapektuhan naman ng paglindol doon kamakailan.
Dagdag pa ni Rep. Romualdez, “We know the amount of assistance does not really cover the damage caused by disasters. But we hope it alleviates a little our citizens’ plight in times of need.”
147