ULO NI ACOSTA HININGI NA SA 70 CASUALTIES SA TIGDAS

acosta

(NI BERNARD TAGUINOD)

MATAPOS pumalo sa 70 ang namatay sa tigdas sa mahigit isang buwan lamang, nararapat na mag-resign na lamang si Public Attorney’s Offce (PAO) Chief Persida Acosta dahil malaki umano ang kasalanan nito kung bakit natakot ang mga tao na magpabakuna.

Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, hindi puwedeng maghugas kamay si Acosta sa Measles outbreak na ikinamatay ng 70 biktima dahil kung hindi aniya ito nagpanggap na medical expert ay hindi nawala ang tiwala ang publiko sa bakuna.

“Resign,” panawagan ni Villarin kay Acosta sa gitna ng paghuhugas-kamay ng opisyal sa nasabing isyu kung saan kinampihan pa ito ng Palasyo ng Malacanang lalo na ang Department of Justice (DOJ).

Magugunita na naging maingay si Acosta sa isyu ng Dengvaxia at isinisi niya dito ang pagkamatay ng mga batang naturukan ng nasabing gamot na panlaban sa dengue noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Dahil dito, natakot na ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kasama na ang bakuha sa tigdas kaya nagkaroon ng outbreak na ito, sa maraming lugar sa bansa.

Gayunpaman, mismong ang Department of Health (DOH) ang nagsasabi na wala pang matibay na ebidensya na may kaugnayan sa Dengvaxia vaccines ang pagkamatay ng mga biktima na naturukan ng nasabing gamot.

“Scare-mongering, pretending to be a medical expert on vaccines, bootlicking & being callous are not traits nor qualifications of a public servant. Resign!,” ayon pa kay Villarin na tinutukoy ay si Acosta.

88

Related posts

Leave a Comment