UMENTO SA GOV’T HEALTH WORKERS HININGI 

health workers44

(NI NOEL ABUEL)

IPINANGAKO ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na sisikapin umano nitong maipasa ang Salary Standardization Law na matagal nang minimithi ng mga public health professionals at mga taong gobyerno sa 18th Congress.

Ginawa ni Go ang pangako sa pagdalo sa 86th National Annual Convention of the Philippine Public Health Association, Inc., kung saan gagawin aniya nito ang lahat para mangyari ang hinihingi ng public health system kabilang ang mga doktor, nurses, midwives, barangay health workers, sanitation inspectors, and administrative staff at mga nasa mababang ranggong tauhan ng pamahalaan.

“Kaya naman sisikapin ko na maipasa na ang Salary Standardization Law 5 na matagal nang minimithi, hindi lang ng ating mga public health professionals kundi pati na rin ng ating ibang kasamahan sa gobyerno, lalo na yung mga nasa rank and file,” aniya.

“Alam ko din po na may kani-kaniyang hinaing din ang ating doctors, nurses, midwives, barangay health workers, sanitation inspectors, at iba pang administrative staff na bumubuo ng ating public health system. Isa na nga po rito ay ang mababang sahod na tinatanggap ninyo bawat buwan,” dagdag pa ni Go.

Kaugnay nito,  isusulong din umano  nito ang pagpapabuti ng healthcare sa bansa kabilang na ang Malasakit Center Bill na naglalayong magkaroon ng isang one-stop shop para sa mga Filipino na makakuha ng medical assistance mula sa mga ahensya ng pamahalaan kabilang ang Department of Health (DOH), PhilHealth, the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Layunin po ng panukalang ito na i-institutionalize sa buong bansa ang Malasakit Center para magkaroon ito ng mas malaki at regular na pondo at para hindi na lang nakadepende ang implementasyon nito kung sinong administrasyon ang nakaupo,” sabi pa nito.

 

111

Related posts

Leave a Comment