UMENTO SA GOV’T WORKERS PINAMAMADALI

sahod

(NI NOEL ABUEL)

UMAPELA si Senador Panfilo “Ping” Lacson si Budget Secretary Benjamin Diokno na agad na ipatupad na ang umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Giit ni Lacson, hindi na dapat pang gamiting dahilan ni Diokno ang reenacted budget sa hindi pagbibigay ng umento.

Ayon sa senador, maaaring gamitin ng gobyerno ang P99.46 bilyon na pondo noong 2018 para sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF).

Binigyan-diin ni Lacson na nakabatay pa rin ito sa Konstitusyon at walang dapat pangambahan ang kalihim.

“Mr DBM Secretary, implement the salary increase now. It is not unconstitutional. It has basis in law and there is Php 99.446 B under the MPBF (Miscellaneous Personnel Benefits Fund) in the 2018 budget. Pointing to a re-enacted budget won’t fly,” saad ni Lacson.

Samantala, para kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, hindi naman makakasakit sa mga empleyado ng gobyerno kung isang buwan lamang na made-delay ang kanilang umento alinsunod sa Salary Standardization Law.

Ito ay sa gitna ng pagtiyak ni Sotto na maaprubahan nila ang panuakalang budget bago matapos ang buwan ng Enero.

 

 

 

169

Related posts

Leave a Comment