Upang sumipa ang ekonomiya PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON, PAYAGAN

DAPAT simulan na ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan kung nais ng gobyerno na sumipa muli ang ekonomiya sa gitna ng COVID 19 pandemic.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Ralph Recto sa paghimok sa pamahalaan na payagan nang muli ang pagpasada ng public utility vehicles upang maserbisyuhan ang mga manggagawang pabalik sa kanilang trabaho.

“There are three important T’s today: tests, trabaho, transportasyon. Screening for coronavirus is no longer a requisite for returning to work. But without a ride, there is no work. And no work, no pay,” saad ni Recto.

Para kay Recto, ang pabalikin ang mga empleyado sa kanilang mga trabaho na wala namang masasakyan ay mistulang pagsasabi sa Pangulo na maaari na siyang tumawid sa Ilog Pasig subalit hindi siya gagamit ng bangka.

“That, today, is the sink-or-swim situation for the nation’s breadwinners,” diin ni Recto.

Dapat anyang payagan ng gobyerno ang mag-asawa na magkaangkas sa motorsiklo dahil magkasama naman sila sa iisang bahay.

Ang mga jeepney at UV driver anya ay dapat bigyan ng subsidiya ng gobyerno para sa mga upuan na bakante bunsod ng pinaiiral na physical distancing.

“Subsidy is not an alien practice in mass transport. We’re subsidizing MRT to the tune of P6 billion this year. So if they’ll be running at 10% capacity, the 90% farebox loss will be covered by the taxpayer subsidy,” diin pa ng senador. (DANG SAMSON-GARCIA)

211

Related posts

Leave a Comment