US NAGHIHIGPIT SA PINOY WORKERS

pinoys

NAGHIHIGPITang Department of Homeland Security (DHS) sa mga Filipino na may temporary work visas para sa foreign agricultural at non-agricultural workers.

Dahil dito ay hindi muna mabibigyan ng trabaho ang mga Filipino citizens na may nabanggit na visa ng isang taon o hanggang Enero 18, 2020.

Ayon pa sa DHS, ang pagbabawal nila ng H2-A at H2-B visas ay para maiwasan ang pagdami ng mga overstaying ganoon din ang problema sa human trafficking. Isa din umano sa may pinakamalaking bilang ng mga overstaying na Pinoy sa Amerika.

Mahigit  sa 40 percent ng H-2B visa holders mula sa Pilipinas ang nag-overstay.

Ang H-2A visas ay temporary visa sa mga foreign agricultural workers habang ang H2-B visas ay iniisyu sa mga foreign workers para sa mga non-agricultural services sa US.

Sinabi pa ni Homeland Security Secretary Kirstjen Nielsen na mataas ang bilang ng trafficking victims mula sa Pilipinas.

Samantala maliban sa Pilipinas, dalawa pang mga bansa ang Ethiopia at Dominican Republic ang kabilang din sa ban ng DHS.

8

Related posts

Leave a Comment