UTANG NG PILIPINAS SUMAMPA SA P14.5-T

NAKAPAGTALA ng bagong mataas na record ang “sovereign debt stock”, “as of end-June” habang lumakas ang pangungutang ng gobyerno para tustusan ang financing requirement nito.

Makikita ito sa pinakabagong data mula sa Bureau of the Treasury (BTr).

Pumalo sa P14.15 trillion ang total outstanding debt ng bansa, tumaas ng 0.4% mula sa P14.10 trillion “as of end-May.”

“The month-on-month increase was attributed “primarily due to the net issuance of domestic securities,” ayon sa Treasury.

Sa kabuuang debt balance, 68.6% ay nagmula locally habang ang natitira naman na 31.4% ay mula sa foreign sources.

“Broken down, domestic debt totaled P9.70 trillion, up.2% from “as of end-May.” For the month, domestic debt growth amounted to P114.32 billion due to the net issuance of government bonds driven by the national government’s financing requirements,” ayon sa BTr.

Samantala, ang Foreign debt ay umabot naman sa P4.45 trillion, bumaba ng 1.4% month-on-month.

“The reduction in foreign debt was driven by the impact of currency adjustments affecting both US dollar- and third-currency equivalents leading to a decrease in the peso value of the debt, amounting to P69.98 billion and P8.28 billion, respectively,” ayon sa Treasury.

Target ng pamahalaan na ibaba ang debt-to-GDP ratio ng mas mababa sa 60% sa 2025, at mas pababain pa ng hanggang 51.1% sa 2028, at tapyasan ang budget deficit sa 3.0% ng GDP sa 2028. (CHRISTIAN DALE)

166

Related posts

Leave a Comment