Utos ni Digong laban sa mga gumagamit sa pangalan ng politiko MANLOLOKO SAKSAKIN

HAYAGANG kinastigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga indibiduwal na kapit sa patalim o gumagamit ng pangalan ng mga politiko para lamang makasungkit ng proyekto sa pamahalaan kapalit ng malaking halaga.

Aniya, noong panahon ng eleksyon ay may nakalulusot na ganitong gawain ng mga tiwaling opisyal at empleyado ng gobyerno subalit ngayon aniya ay malabo na itong mangyari.

Kapag may ganitong umiikot na transaksyon ngayon at nadisgrasya pa ang perang ginamit na panuhol ay isa lamang ang maipapayo niya sa mga ito at ito ay agad na saksakin ang taong gumawa sa kanya ng kabulastugan.

“Iyong may mga tao na nag-iikot na sabi nila lalakarin nila, alam mo ang gawain ninyo kung nagbigay na kayo ng pera, purnada talaga kayo kay hindi naman totoo ‘yan. Saksakin na lang ninyo.

Saksakin na lang ninyo. Huwag mong barilin kasi maingay. Madali kang mahuli. Saksakin na lang ninyo. Wala ‘yan. Ito ‘yung mga parasites, mga linta, and they thrive on the gullible iyong pati ‘yung naive na lolokohin mo ‘yung kapwa mo tao,” diing pahayag ng pangulo. (CHRISTIAN DALE)

67

Related posts

Leave a Comment