Wala pang pagbabago magtataas na singil ‘HIGH-FLYING BUDOL’ SA NAIA

(BERNARD TAGUINOD)

TINAWAG ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na high-flying budol dahil wala pang nagagawang pagbabago sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay magtataas na ang passenger fees.

“Wala pang pagbabago na nagaganap sa NAIA, nauna nang lumipad ang singil sa mga pasahero,” dismayadong pahayag nina House Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

Magugunita na isinapribado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang NAIA at ibinigay ang kontrata sa San Miguel Corporation para sa rehabilitasyon at operasyon ng nasabing paliparan.

Gayunpaman, halos limang buwan pa lamang aniya nang ibigay ang kontrata sa San Miguel Corporation ay magtataas na agad ang mga ito ng passengers’ fees.

“The government’s outsourcing of NAIA operations is nothing but a scapegoat for passing the buck to private entities. Even before a single terminal gets a facelift, these big businesses are already cashing in. It’s a high-flying budol!” ani Brosas.

Sa sandaling maipatupad ang bagong passengers’ fee, ang mga domestic travelers ay magbabayad ng P350 mula sa kasalukuyang P200 habang ang mga international travelers ay P950 na ang babayaran mula sa P550 ngayon.

Lalong mahihirapan aniya partikular ang dalawang milyong Filipino workers kaya iginiit ng kongresista na dapat itong imbestigahan dahil hindi aniya itong makatarungan.

Patunay din umano ang kaso ng NAIA na walang pakinabang ang mga Pilipino sa pagsasapribado sa mga serbisyo publiko kaya dapat itong itigil.

“This is the consequence of a system that prioritizes privatization, turning what should be a public service into a private profit machine. We will file a resolution to scrutinize the NAIA privatization’s impact on passengers and the broader public. This matter will also be a focal point during the upcoming budget deliberations,” ayon pa kay Brosas.

36

Related posts

Leave a Comment