WALANG CONFLICT OF INTEREST — DUQUE 

PHILHEALTH-SEC DUQUE

(NI NOEL ABUEL)

PINANININDIGAN ni Department of Health (DOH) na walang conflict of interest sa negosyo ng pamilya nito ang pagiging kalihim nito ng ahensya.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committe, na pinamunuan ni Senador Richard Gordon, layon nito na hubaran ng maskara ang mafia sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), hinarap ni Duque ang mga senador para sagutin ang ibinabatong akusasyon laban dito.

“My personal interest in EMDC did not in any way conflict with the interest of the government,” sabi ni Duque.

Magugunitang noong Hulyo 29, nagsagawa ng privilege speech si Senador Panfilo Lacson na nagsabing pag-aari ng pamilya ni Duque ang Educational and Medical Development Corporation (EDMC) at ang Doctors Pharmaceuticals Incorporated (DPI).

Ayon kay Lacson, nangupahan ng anim na taon ang Ilocos regional office ng Philhealth sa EMDC building sa Dagupan City mula Hunyo 2012 hanggang Disyembre 2018 kung saan sa mga panahong ito ay naitalaga ang kalihim sa DOH noong Nobyembre 2017.

Ngunit sinabi ni Duque na ang kontrata ay hindi awtomatikong nilalabag ang confict of interest at hindi naagrabyado ang pamahalaan.

Kasama rin sa tinukoy ni Lacson ang patuloy na pagbabayad ng Philhealth sa WellMed Dialysis Center sa kabila ng pagsuspinde sa akreditasyon nito dahil sa nasabing anomalya.

 

89

Related posts

Leave a Comment