WALANG PAGTAAS SA PRESYO NG GULAY –DA

frost200

PINAWI ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng konsyumer  na walang pagtaas sa presyo ng gulay sa harap ng nagaganap na ‘frost’ sa mga gulay sa ilang bahagi ng Luzon.

Sinabi ng DA na kahit pa nasisira ang mga gulay, hindi naman umano ito lubos na nakaapekto sa pangkalahatang supply.

Nagbabala rin ang DA sa mga biyahero o middleman na huwag samantalahin ang mga mamimili sa pagsabing ang sobrang lamig sa Baguio ang dahilan ng pagtaas ng halaga ng gulay.

Nagkakaroon ng frost kapag nababalot ng namumuong yelo dahil sa sobrang lamig ang mga tanim.

Hindi na rin umano nababahala ang mga magsasaka sa ganitong sitwasyon at nakapag-adjust na rin ang mga ito sa ganitong panahon.

Umabot sa 9 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City noong Miyerkoles at mas malamig pa  rito sa mga matataas na lugar gaya ng Benguet.

453

Related posts

Leave a Comment