WATER CRISIS MALALA NGAYON KAYSA NOONG MARSO 

water12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAS malala ang krisis sa tubig na nararanasan ngayon sa Metro Manila dahil 12 million katao na ang naaapektuhan kumpara noong Marso na tanging ang mga customers lang ng Manila Water ang apektado.

Ito ang pahayag ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio na nagsabi na lumalaki umano ang epekto ng water crisis, hindi lamang sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao kundi sa negosyo at ekonomiya sa kabuuan.

“Di hamak na mas malalala pa kumpara noong March at April. Kung noong Marso at Abril ay sa Manila Water lang (ang apektado),  ngayon buong Metro Manila na dahil both ang Manila water at Maynilad ang nakakaranas ng water interruption,”ani Tinio.

Ayon sa mambabatas, walo hanggang 16 oras na nagdurusa umano ang mga tao dahil sa water interruption na ipinatutupad ng mga water concessionaires sa kasalukuyan.

Dahil din umano dito, itinigil ng Manila Water at Maynilad ang pagkakabit ng mga bagong linya ng tubig kaya naaapektuhan na ngayon ang mga malalaking negosyo.

“Hindi na raw muna  tumatanggap (ang Manila Water at Maynilad) ng pagpapakabit (ng water connection). May mga malalaking proyekto  ang hindi basta-basta magsisimula o madedelay dahil sa kakulangan ng tubig, so may epekto ito (water crisis)  sa kabuuang ekonomiya,” ani Tinio.

Iginiit naman ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na seryosohin na ng gobyerno na ibalik na sa estado ang serbisyo sa tubig sa lalong madaling panahon.

“Huwag lang sanang i-consider, bawiin na sa mga private companies ang water service dahil hindi dapat isinasapribado ng gobyerno ang ganitong serbisyo sa mga tao,” ani Zarate.

 

 

173

Related posts

Leave a Comment