WITHDRAWAL NI CARDEMA ‘DI PA PINAL

cardema44

(NI HARVEY PEREZ)

INIHAYAG ni Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na hindi  awtomatikong  matatanggal bilang first nominee ng Duterte Youth Party-List Group si dating National Youth commissioner Ronald Cardema, matapos na maghain ng notice of withdrawal sa poll body.

Nabatid kay Guanzon, kailangan pa rin itong  desisyunan ng Commission en banc kung aaprubahan ba o hindi ang naturang kahilingan ni Cardema.

“His ‘withdrawal’ is not automatic. The Commission En Banc has to rule on that,” post ni  Guanzon, sa kanyang Twitter account.

“We are not a stamping pad of an overaged, disqualified pretender,” ayon sa opisyal.

Una nang ipinabatid ni Guanzon ang notice of withdrawal na inihain ni Cardema noong Setyembre 13, kung saan sinabi nitong isasakripisyo na lamang niya ang kanyang sarili, sa pamamagitan nang pag-uurong ng kanyang nominasyon, para makaupo na sa pwesto ang kanilang partido.

Binuntunan din ng sisi ni Cardema si Guanzon sa  kanyang pag-urong at inakusahan ito nang panggigipit at pangingikil, na kaagad namang inalmahan ng lady commissioner.

Nilinaw ni Guanzon na isinapubliko niya ang notice of withdrawal ni Cardema dahil ito’y notaryado at itinuturing namang isang public document.

“Why do I make it public?  Because his ‘notice’ was notarized. It is a public document. He cannot claim privacy.   And the people have a right to information,”  ayon kay Guanzon.

Tinawag din na estupido ni Guanzon si Cardema  dahil sa paninisi at pagbibintang sa kanya ng ‘under oath’ dahil libelous umano ito.

Nabatid na una  nang  itinanggi ni Guanzon ang mga naturang alegasyon ni Cardema at nagbanta na sasampahan ng libel sa susunod na taon.

166

Related posts

Leave a Comment