Wrong timing – Defensor VELASCO SINOPLA SA CHA-CHA

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI lilipad ang Charter Change o Cha-Cha na sinimulang buhayin ni House Speaker Lord Allan Velasco sa Kongreso dahil wala ito sa timing lalo na’t nasa gitna pa ng pandemya ang bansa.

Ito ang opinyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor matapos pulungin ni Velasco ang ilang miyembro ng House committee on constitutional amendments na pinamumunuan ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. para pag-usapan na ang pag-amyenda sa 1987 Constitution partikular na ang economic provisions.

“The renewed Charter Change (Cha-Cha) initiative in Congress will not fly amid the COVID-19 pandemic,” pahayag Defensor lalo na’t nais nina Sens. Ronald dela Rosa at Francisco Tolentino na idaan ang pag-amyenda sa Saligang Batas sa pamamagitan ng constituent assembly o ang mga senador at congressmen ang magsasagawa ng amendments.

Ayon kay Defensor, hindi ito tutol na amyendahan ang 34 taong gulang na Saligang Batas dahil maraming probisyon dito ang hindi makatutulong para sa pag-unlad ng bansa.

“I am for it, but the question is timing, and today, while we are still battling the COVID-19 pandemic and not achieving much success, is not the right time,” ayon kay Defensor.

Hindi aniya tatanggapin ng mamamayan ang hakbanging ito dahil lalabas na insensitive ang mga mambabatas sa kanilang kalagayan dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“Cha-Cha is not the solution to the pandemic and economic hardship our people have to grapple with everyday,” ayon pa sa mambabatas kahit ang mga economic provision lamang umano ang nais amyendahan sa pamamagitan ng ConAss.

SARILING INTERES

Hindi naman naniniwala ang mga militanteng mambabatas na tanging economic provisions ang aamyendahan upang maalis ang 40-60 provisions sa pagpasok ng mga dayuhang negosyante sa bansa, kundi para palawigin pa ng mga nakaupong politiko ang kanilang termino.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, unang araw pa lamang umano ng administrasyong Duterte ay inilulutang na ang ekstensyon ng termino ng mga ito kaya nakadududa na isisingit ito sa pandemya lalo na’t halos isa’t kalahating taon na lamang ang natitira sa kanilang kapangyarihan.

“Mula pa noong mga nakaraang administrasyon ay ginagawa lamang dahilan itong pagbabago daw sa mga economic provisions pero ang mga nasa likod nito ay talagang pagtutulak ng pulitikal na pagbabago gaya ng term extension at lifting of term limits ng mga politiko,” ani Zarate sa virtual press conference ng kanilang grupo kahapon.

“Hindi puwedeng i-cha-cha ang pandemya,” giit naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kaya imbes na ang pagbabago sa Saligang Batas ang atupagin ay ang pagbangon ng mamamayan muna ang asikasuhin.

CPP-NPA GINAGAMIT

Kaugnay nito, isinasangkalan umano ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) para isulong ang Cha-Cha.

Ito ang alegasyon ng Bayan Muna party-list kasunod ng pahayag ni Senate President Vicente Sotto III na isa sa mga layunin ng Cha-Cha ay upang amyendahan ang party-list system at alisin ang mga kinatawan ng CCP-NPA sa Kongreso.

“Una sa lahat hindi lumalahok sa eleksyon ang mga grupong iyan; pangalawa, you don’t need to tinker with the whole constitution if you just want to fix the party-list system,” ani Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite.

Ayon sa mambabatas, hindi sila kinatawan ng NPA kundi ng mamamayang Pilipino na walang boses sa Kongreso.

“Ang gobyero na gutom sa kapangyarihan, reaksyonaryo ay muling ginagamit ang CPP-NPA upang bigyan katwiran ang Charter Change at ang kanilang pagnanais na manatili sa kapangyarihan at para protektahan ang status quo,” ayon naman kay Rep. Eufemia Cullamat.

HAHARANGIN

NAGPAHAYAG naman ng kahandaan ang minorya sa Senado na harangin ang Cha-Cha na itinutulak ng Kongreso na dahil wala ito sa tamang oras at panahon.

Ito ang iginiit ng mga senador sa pagsasabing sa halip na hanapan ng solusyon ang problema sa COVID-19 virus, ang kawalan ng trabaho at mataas na presyo ng bilihin ay inuuna pa ng ilang politiko ang pulitika.

“It will be a total waste of time. It won’t fly. Our history tells us that Cha-Cha has a zero chance of success in any administration that is already in the home stretch. It is a sin to be even talking about changing the Constitution when there is still no end in sight to the pandemic, when the government is struggling to secure funding for COVID-19 vaccines, and when the country is still reeling from the continuing impact of the pandemic and the recent typhoons,” sabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon. (May dagdag na ulat si NOEL ABUEL)

107

Related posts

Leave a Comment