NAT’L JUDGMENT WEEK NILARGA

SIMULA kahapon (Lunes), ikinasa ng lahat ng trial courts sa bansa ang pambansang paghuhukom o “National Judgment Week” upang mabawasan ang mga nakabinbing kaso at mapaluwag din ang mga bilangguan.

Ayon kay Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez, ang proyekto ay ipatutupad ng lahat ng huwes sa mga municipal trial court, municipal circuit trial courts, metropolitan trial courts, regional trial courts at Sharia courts.

Sa circular na inilabas ni Marquez, inatasan ang lahat ng trial courts na magsagawa ng imbentaryo ng mga nakabinbin nilang kasong sibil at kriminal at itakda ang pagdinig ng mga ito umpisa Nobyembre 15 at matatapos sa Nob. 19. Nakatuon ito sa pagtatapos ng naturang mga kaso base sa umiiral na mga batas at panuntunan.

“This directive, however, should not prevent any court from promulgating judgments or releasing PDLs on an earlier date warranted by circumstances,” ayon pa sa circular.

Matapos ang Nationwide Judgement Week sa Nob. 19, kailangan magpadala ng ulat o survey ang mga trial court ukol sa kanilang nakamit. (RENE CRISOSTOMO)

131

Related posts

Leave a Comment