BUMABA na sa 23,039 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Calabarzon matapos makapagtala ng 1,911 panibagong kaso ang Department of Health Region 4-A noong Mayo 11, 2021.
Ang lalawigan ng Cavite ay nakapagtala ng 573 bagong kaso, ang Laguna ay 448; Batangas, 209; Rizal, 518; Quezon, 147, at Lucena City, 16 news cases.
Nasa 118,204 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling habang 4,066 naman ang namatay.
Samantala, muling naitala ng Navotas City ang pinakamababang bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa lahat pamahalaang lokal sa National Capital Region (NCR).
Nagtala ang lungsod ng average na 19 bagong kaso kada araw mula Mayo 3 hanggang 9, 2021, na -32% mas mababa sa naiulat noong nakalipas na linggo na 33 kada araw.
Batay sa Octa Research Group, nagposte ang Navotas City ng 7.12 average daily attack rate (ADAR).
“We are glad to learn of such great news. Our sacrifices and hard work have paid off. We are grateful to our frontliners and employees for their dedicated service, as well as to each resident for their support and cooperation to our anti-COVID campaign,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Our fight against COVID is still long, especially now that the variant from India has entered our country. We need to protect the gains we have achieved by taking part in our vaccination program, obeying the community quarantine rules, and following the minimum health protocols. Let us stop this pandemic. Let us keep each other safe,” ayon sa alkalde.
Noong nakaraaang linggo, sinabi ng OCTA na kailangan ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na bawasan ang kanilang ADAR nang mas mababa sa 10% bawat 100,000 populasyon para makasulong ang NCR sa moderate risk classification.
Hanggang Mayo 11, nakapagtala ang Navotas City ng 213 active cases, 10,063 recoveries, at 344 namatay. (CYRILL QUILO/ALAIN AJERO)
138
