NCR ALERT LEVEL BABABA PA

ncr

MAAARI umanong mapababa pa ang Alert Level sa National Capital Region (NCR) kung magpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, sa ngayon ay nakikitaan umano nila ang rehiyon ng ‘downward trend’ o pagbaba ng mga

kaso ng sakit, na nasa average na 1,500 hanggang 1,600 nitong mga nakalipas na araw, mula sa dating mahigit 10,000 noong panahon ng surge.

“Kung siguro kapag bumaba pa ‘yan ng less than 1,000, baka pwede (ibaba pa ang alert level),” ayon kay Densing sa isang panayam.

Sinasabing ang intensive care unit (ICU) bed utilization rate sa Metro Manila ay nasa 49% na lang habang 56% naman sa buong bansa, dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga impeksiyon

bunsod ng pagdami na ng mga taong natuturukan ng bakuna.

Kung maibababa pa aniya ang alerto sa Level 2, mas maraming tao ang makaka-access sa commercial establishments dahil tataasan na ang capacity ng mga ito at maging ang mga bata ay maaari

na rin umanong payagan na lumabas ng kanilang mga bahay. (LILY REYES)

275

Related posts

Leave a Comment