NEGROS OCCIDENTAL NILINDOL

NAITALA ngayong hapon ang magnitude 4.5 na lindol sa lungsod ng Sipalay sa Negros Occidental.

Nabatid mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong alas-2:42 ng hapon sa layong 37 kilometro ng Sipalay City.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na walong kilometro.

Batay sa instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Sipalay City, Negros Occidental at Intensity II sa Bago City, Negros Occidental.

Wala nang inaasahan ang Phivolcs na pinsala at aftershocks sa pagyanig. JG TUMBADO

155

Related posts

Leave a Comment