2 BATANG INANOD NG BAHA, NASAGIP

NORTH COTABATO – Nasagip ng anim na kalalakihan ang dalawang bata makarang anurin sa baha sa Brgy. Kisante sa bayan ng Makilala sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga nasagip na sina Mayzel Cortez, 3-anyos, at Aziah Yhanes Deo, 7-anyos, kapwa residente sa nasabing lugar.

Agad namang pinuntahan ni North Cotabato Governor Nancy Catamco ang anim na kalalakihang nagligtas sa dalawang bata, na kinialang sina Cesar Pampangan, Nobenlio Laresa, Richar Cuence,

Julius Onto, Ramcis Damali at Anthony Angab.

Ayon kay Fernanda Anib, lola ni Aziah, nabali ang tulay na kawayan habang tumatawid ang dalawang bata kaya nahulog sa baha sa irigasyon at inanod.

Nakuhanan ng video ang insidente na nakitang anim na kalalakihan ang sumaklolo at sumagip sa dalawang bata na inaanod patungo sa Balatucan River.

Nauna nang binisita ni Gov. Catamco ang mga bata na dinala sa ospital at pagkatapos ay pinuntahan ang mga bayani sa Kisante upang bigyan ng trabaho bilang mga rescuer ng Provincial

Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Rescue Team sa North Cotabato.

Samantala, agad ipinag-utos ng gobernador kay Provincial Engineer Jun Duyungan na makipag- ugnayan sa Department of Public Works and Highways upang tingnan ang nasirang bahagi ng tulay.

Inirekomenda ng DPWH na tanggalin ang mga bato sa ilog para mas lumalim kaya agad na nagpadala ng backhoe ang gobernadora para masimulan ang trabaho. (DONDON DINOY)

102

Related posts

Leave a Comment