2 LPA, HABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN SA LUZON, VISAYAS

(NI DAHLIA S. ANIN)

MAHINA hanggang malakas na ulan ang dala ng dalawang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at hanging habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa tala ng Pagasa, huling namataan ang mga LPA sa layong 715 kilometro Silangan ng Basco, Batanes at 130 kilometro Kanluran TimogKanluran ng Iba, Zambales.

Hinahatak ng mga ito ang southwest monsoon o hanging habagat.

Asahan ang maulang panahon sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Palawan at probinsya ng Mindoro.

Habang makakaranas naman ng rainshower at thunderstorm sa Bicol, Western Visayas natitirang bahagi ng Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA.

Ang thorough o extensions naman ng LPA ang magdadala ng kalat kalat na rainshower at thunderstorm sa Cagayan Valley, CAR at ILocos.

Isolated rainshowers naman ang mararanasan sa Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas na dala ng localized thunderstorm.

 

162

Related posts

Leave a Comment