3 NPA NAPATAY SA AGUSAN, 15 HIGH POWERED FIREARMS NASAMSAM

TATLONG hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang napatay sa ikinasang combat military operation sa Butuan City, Agusan del Norte, ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa ulat, nakasagupa ng pinagsanib na pwersa ng 29th Infantry (Matatag) Battalion at 30th Infantry (Fight ‘on) Battalion ng Philippine Army ang isang pulutong ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na kinabibilangan ng SYP21C, WGF21 at Platoon Dao, Sub-Regional Sentro de Grabidad Westland, kapwa nasa ilalim ng Sub-Regional Committee Westland, NEMRC sa kagubatang sakop ng Mt. Apo-Apo, Sitio Dugyaman, Brgy. Anticala, Butuan City.

Kinumpirma ito ng AFP Eastern Mindanao Command (EastMInCom) at sinabing nangyari ang engkwentro sa Mt. Apo-Apo, na ikinamatay ng isang lalaki at dalawang babae na pawang miyembro umano ng komunistang grupo ng New People’s Army.

Sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ng Army 901st Infantry Brigade (901Bde), ang pangalan ng tatlong napatay. Habang nakuha sa pangangalaga ng tatlong napatay ang limang AK47 rifles, apat na AR18 rifles, tatlong M4 rifles, dalawang M203 grenade launchers, M16 rifle at ilang mga dokumento.

(JESSE KABEL RUIZ)

394

Related posts

Leave a Comment