3 PATAY, 9 SUGATAN SA PAGSABOG SA MARAWI

PATAY ang tatlo katao habang siyam ang sugatan nang yanigin ng pagsabog ngayong umaga ang Dimaporo Gymnasium, Mindanao State University (MSU) campus.

Gayunman, hindi pa inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at sugatang indibidwal.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, batay sa ulat ng PNP PROBAR, dumadalo sa isang misa ang mga Katolikong estudyante nang bigla na lamang may naghagis ng pampasabog.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at ngayon ay patuloy ang imbestigasyon.

165

Related posts

Leave a Comment