8 SENADOR, PISIKAL NA DADALO SA SONA NI PRRD

0

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na pito pang senador ang makakasama niya sa pisikal na pagdalo sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa Lunes, July 26.

Kasama ni Sotto sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Ronald “Bato” dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Christopher “Bong” Go, Imee Marcos, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Francis Tolentino para saksihan ang ika-anim na SONA ni Duterte.

“Only eight manifested their intention to attend the SONA physically. The rest will be virtual,” pahayag ni Sotto sa online briefing sa Senate Media.

Sinabi ni Sotto na bukod sa pagiging fully vaccinated, lahat ng dadalo sa SONA ay dapat magpakita ng negative result ng RT-PCR test na ginawa dalawang araw bago ang okasyon.

Samantala, kinumpirma ni Sotto na hindi pa rin obligado ang lahat ng senador na dumalo nang personal sa kanilang sesyon, simula sa Lunes.

Ipinaliwanag ng lider ng Senado na epektibo pa rin ang kanilang resolution na pinapayagan ang hybrid session kung saan maaaring makiisa sa sesyon ang ibang senador via online.

Sa hanay ng kanilang mga empleyado, nananatili pa rin ang limitadong bilang ng mga papayagang pumasok bawat araw bagamat 90 porsiyento na ng kanilang mga tauhan ang fully vaccinated.

Nakabinbin pa rin naman at pag-uusapan pa ng secretariat ng Senado kung papayagan na ang media coverage sa loob ng gusali subalit mananatili anya ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.

Kinakailangang fully vaccinated ang mamamahayag na magko-cover sa loob ng Senado at magpapakita ng negative result ng swab antigen test na kinuha dalawang araw bago ang takdang pagpasok nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment