ADOPT A LIVESTOCK PROGRAM, IMINUNGKAHI SA PAG-AALBOROTO NG MAYON

IMINUNGKAHI ni Senador Francis Tolentino ang pagpapatupad ng ‘adopt a livestock’ program sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan ng Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

“Yung experience po naman namin noon sa Taal eruption–yung mga kabayo, mga baka, ang ginawa po, in-adopt po ng iba’t ibang lugar na safe pero malapit kung saan sila pwedeng alagaan. Sila muna ang nag-alaga–siguro, nag-usap na lang sila ng may-ari ng hayop pagkatapos ng eruption kung may ire-reimburse kapag may kaunting nagastos,” saad ni Tolentino.

Matatandaang si Tolentino ang tumayong over-all onsite point person sa pagsabog ng Mayon noong 2018 at Taal noong 2020.
Sa datos, nasa 10,600 na residente sa loob ng permanent danger zone sa Mayon ang inilikas kabilang ang 5,000 katao sa Guinobatan.

Kasabay nito, pinuri ni Tolentino ang mabilis na aksyon ng provincial government ng Albay na nagdeklara ng state of calamity upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at livestock sa lalawigan.

(Dang Samson-Garcia)

129

Related posts

Leave a Comment