WALANG malakas na epekto sa bansa ang tropical storm Perla, ayon sa Pagasa sa kanilang huling weather bulletin.
Sa kanilang advisory, wala ring naitalagang tropical cyclone wind signal na inisyu sa buong bansa.
Gayunman, ang Northeasterly Surface Windflow ay makalilikha ng pabugsu-bugsong hangin sa dulo ng Northern Luzon hanggang sa susunod na lingo.
Hiniling din ng Pagasa ang mga residente na patuloy na magmonitor sa mga kaganapan sa bagyo.
Patuloy ding binabalaan ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa pagbiyahe sa Northern Luzon dahil sa potensiyal na malalakas na alon dahil sa Northeasterly Surface Windflow.
Bandang alas-10 ng gabi, namataan ang sentro ni Perla sa 775 km east ng Basco, Batanes na mayroong 75 kilometers per hour ng maximum sustained winds at pagbugso ng hanggang 90 kph.
330