BARIKADA NG CHINA SA SCARBOROUGH BINAKLAS NG PCG

BUNSOD ng utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ng National Task Forces on West Philippine Sea, sinisid at inalis ng mga underwater operatives ng Philippine Coast Guard ang iniladlad na floating barrier ng China papasok sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ayon sa ulat na ibinahagi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng National Task Force for the West Philippine Sea ng PCG, isinagawa ng kanilang mga tauhan ang operasyon kamakalawang gabi.

Kinumpirma ni Commodore Tarriela, ang pag-alis sa barrier ay alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos at ng National Task Force for the West Philippine Sea.

“A member of the Philippine Coast Guard removes the hazardous floating barrier installed by the Chinese Coast Guard at the southeast entrance of Bajo De Masinloc (BDM) on Monday, following instruction from President Ferdinand Marcos Jr. thru National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), pagkumpirma rin ni Sec. Eduardo Año.

Ang hakbang na ito aniya ay naaayon sa International Law at sa soberanya ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc.

Giit ni Tarriela, mapanganib sa paglalayag ang floating barrier na humaharang sa mga mangingisdang Pinoy na makapasok sa lugar na sakop naman ng teritoryo ng Pilipinas.

“The barrier posed a hazard to navigation, a clear violation of international law. It also hinders the conduct of fishing and livelihood activities of Filipino fisherfolk in Bajo De Masinloc, which is an integral part of the Philippine national territory. The 2016 Arbitral Award has affirmed that Bajo De Masinloc is the traditional fishing ground of Filipino fishermen,” ayon sa Coast Guard.

Hindi tinutugon ng China Embassy sa Manila ang tanong kung Chinese Coast Guard o militia fishing vessel na ang kumuha sa 300 meters na floating barriers na kanilang inilatag matapos lagutin ng divers ng PCG ang lubid at kunin ang anklang nakakabit dito.

(JESSE KABEL RUIZ)

229

Related posts

Leave a Comment