BULKANG KANLAON ITINAAS SA ALERT LEVEL 2

INIHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na itinaas sa alert level 2 ang Bulkang Kanlaon, iniulat nitong Biyernes ng ng ahensya.

Nabatid sa Phivolcs, naramdaman ang dalawang (2) volcanic earthquake sa paligid ng bulkan at bahagyang natatakpan ng ulap at namamaga ang bulkan.

Ayon pa sa Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone o PDZ ng bulkan.

Nabatid pa sa volcano monitoring ng Phivolcs, hindi pinapayagan ang pagpapalipad ng anomang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng biglang pagputok nito.

Ang Bulkang Kanlaon ay matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental at itinuturing na isang aktibong bulkan. (PAOLO SANTOS)

63

Related posts

Leave a Comment