CONCEPCION, DIZON, AUSTRIACO: HINDI TAYO MAAARING MAGPATULOY NA MAMUHAY SA TAKOT

[Concepcion iginiit ang muling pagsusuri sa kasalukuyang COVID-19 policy para maiakma sa kasalukuyang pangyayari]

Hindi maaaring magpatuloy na mamuhay sa takot sa COVID-19 ang bansa. Ito ang nagkakaisang posisyon ng mga eksperto at pangunahing opisyal ng gobyerno sa katatpos na BOOSTER to the MAX: A Medical Briefing on COVID-19 Treatment townhall meeting noong Enero 21, kung saan nagbigay ng posisyon ang mga eksperto ukol sa maaaring maging senaryo pagkatapos ng COVID-19 pandemic.

“We can’t continue to lock ourselves out from the world,” wika ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion.  “Other countries seem to have already accepted the fact that COVID is here to stay. Maybe it’s time we practice living with COVID or else the Philippine economy will suffer and along with it, its MSMEs,” dagdag pa niya.

Kinatigan ni Vaccine Czar at Deputy Chief Implementer of the National Task Force on COVID-19 Vince Dizon ang pananaw ni Concepcion na hindi na maaaring mamuhay sa takot ang Pilipinas.

“We also need to have a dramatic change in mindset,” ani Dizon. “I think we need to understand that the responsibility for protecting the community from the virus is much an individual responsibility and not just a government responsibility or a company private sector responsibility,” wika pa niya.

Aniya, dapat palakasin ang taumbayan at turuan sila kung paano haharapin ang virus sa nalalapit na hinaharap. Binanggit niya bilang positibong pangyayari sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor sa isinagawang bakunahan sa mga botika at pagbabakuna sa mga empleyado sa lugar ng trabaho.

Sumang-ayon naman si OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco sa pahayag nina Concepcion at Dizon, sa pagsasabing malaki ang posibilidad na wala nang lalabas na mas matinding variant ng virus.

“Omicron has significantly constrained the mutational landscape of future variants,” wika niya. Binanggit niya ang ulat ng University of Michigan at Massachusetts Institute of Technology na inilabas noong Disyembre 2021, na itinulad ang Omicron sa isang susi na malaki ang ipinagbago at dahil dito, nahirapan na itong magbukas ng isang lock.

Ibinahagi rin ni Fr. Austriaco ang isang pag-aaral mula sa scientific journal Nature, kung saan inilarawan ang posibleng senaryo na ang COVID ay magiging trangkaso, kung saan ang mahihina na lang ang mangangailangan ng bakuna at iba pang pagkilos. Sinabi pa ni ni Austriaco na ginawang possible ng Omicron ang senaryo ng endemic, at, kasinghalaga ay binago rin ang pag-iisip ng taumbayan na ngayon at nakatuon sa mga pangkalusugang pag-iingat at mga sintomas ng COVID infection.

“It is time to move from crisis to control, from fear to responsibility,” sabi pa niya,

Sang-ayon naman ng mga eksperto mula OCTA Research, na siyang nagbabantay sa mga datos sa pandemya, na batay sa takbo ng mga nakalipas na numero, tayo’y sumusunod sa karanasan ng South Africa, kung saan ang biglang pagsirit ay sinundan ng biglang pagbaba ng impeksiyon.

Sa townhall, iniulat din ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na ang NCR ay may 9,445 bagong kaso ng COVID-19 noong Enero 20. Binanggit niya na ang huling pagkakataon na nagkaroon ang NCR ng kasong mas mababa sa 10,000 sa isang araw ay dalawang linggo ang nakalipas, o noong Enero 5, kung saan tumataas pa ang bugso ng kaso. Noong Enero 20, ang lingguhang growth rate ay naging negatibo sa unang pagkakataon mula noong Disyembre 24, 2021.

Gayumpaman, pag-iingat pa rin ang payo ni Dr. David. “The NCR is still averaging over 13,000 new cases per day, which puts it at critical risk. We cannot let our guard down and must continue to follow health protocols to sustain the downward trajectory of new cases in the NCR,” wika niya. Batay sa pagtaya, magkakaroon ang NCR ng nasa 2,000 kaso bawat araw sa pagtatapos ng Enero, at nasa 1,000 bago ang Valentines, at mababa sa 500 sa pagtatapos ng Pebrero.

Tutol naman si David sa pagbababa ng alert levels hanggang maabot ng NCR ang moderate risk levels. Naniniwala naman si Fr. Austriaco na nagpatuloy ang pagbaba, maaari nang magbalik sa mas maluwag na Alert Level 2 ang kabisera.

Sinabi ni Fr. Austriaco na ang sukatan na dapat mahigpit na bantayan ngayon ay ang hospital occupancy sa Metro Manila, na bumababa na rin sa nakalipas na linggo. “Thankfully, it does not look like our hospitals experienced the tragic and crushing numbers of COVID-19 positive patients that we witnessed during the Delta surge last August and September,” sabi niya.

Habang nakakaranas ang NCR ng pagbagal sa mga bagong kaso, sinabi ni OCTA Research na dapat bantayan ngayon kung ano ang mangyayari sa mga lalawigan. Sinabi ni Fr. Austriaco na ang galaw sa NCR ay dapat magpakita kung ano ang maaaring mangyari sa mga probinsiya ng bansa, na karamihan ay nakararanas ng biglaang pagtaas ng Omicron cases.

“For example, Cebu City is about ten days behind the NCR. If the trends in Cebu resemble the trends in Metro Manila – which is reasonable to expect given similar demographic profiles – we would expect the Omicron surge to peak there in about a week and a half,” wika niya.

Nangyari ito kasabay ng paglipat ng pokus mula sa pag-iwas patungong gamutan.

 

 

 

Inilatag ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel ng pamahalaan, ang ilang available na gamutan para sa COVID patients, kabilang ang antivirals at monoclonal antibodies.  Iginiit niya na mahalagang maibigay ang mga ito sa tamang oras, at nagbabala na huwag itong gamitin hanggang walang payo ng mga doktor.

 

“We also need to understand individual responsibility,” wika ni Dizon ng IATF, kasabay ng pagkumirma na magpapatuloy pa rin ang mandato ng pagsusuot ng face masks. “It’s the masks that prevent transmission,” sabi niya.

 

Sinabi naman ni Concepcion na isa sa mga patakaran na dapat muling agad pag-aralan ay ang air travel protocols ng bansa. “It is quite understandable that public health should be the primary concern of governments. But as COVID itself changes, policy should be also open to re-examination,” wika niya. Partikular na dapat muling tingnan, ayon kay Concepcion, ay ang facility-based quarantines at paggamit ng RT-PCR tests.

 

“The entry requirements are so extensive and complicated that they put the country out of the reach of international visitors, and even our returning kababayans,” wika ni Concepcion.

 

“I think it’s about time to really move on. I think we will definitely be left behind if we remain stagnant, you know, in what we’re doing,” dugtong pa niya.

 

Ang BOOSTER to the MAX: A Medical Briefing on COVID-19 Treatment ay inorganisa ng Go Negosyo at ipinalabas nang live sa Facebook noong Enero 21.

190

Related posts

Leave a Comment