CEBU CITY – Patay ang isang guest dancer sa local beauty pageant na “Enchantress of Inayawan 2024” nang ito ay mahulog habang bumababa sa stage habang ginaganap ang pagdiriwang ng kapistahan ng Barangay Inayawan sa lungsod noong Miyerkoles ng gabi.
Ayon sa report at sa kuhang video, matapos na mag-perform ang grupo ng biktimang kinilala sa pangalang “Juala”, pababa na ang mga ito at nasa pinakahuli ang biktima nang tila mahimatay ito at tuluyang nahulog sa hagdan ng stage.
Agad itong sinaklolohan ng mga tauhan ng barangay at dinala sa ospital.
Matapos ang ilang oras, binawian ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Labis na ikinalungkot ito ng pamunuan ng Barangay Inayawan ang insidente at nagpaabot ang mga ito pakikiramay sa pamilya ng biktima.
Ayon kay Barangay Captain Kirk Repollo, magbibigay sila ng tulong sa pamilya ng biktima.
Inaalam pa ng mga opisyal ng barangay kung may dinaranas na sakit ang biktima bago sumayaw sa entablado. (NILOU DEL CARMEN)
142