DIGITAL Q PASS GAMIT SA BALIWAG, BULACAN

IPINATUTUPAD na ngayon ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Baliuag, Bulacan ang Digital Quarantine Pass gamit ang hi-tech IAMSAFE Web App kung saan hindi na kailangan ang printed
quarantine pass habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ang mga residenteng gagamit nito o magpaparehistro ay magkakaroon ng sariling QR Code at ang mga ito ay agad na ita-tag ng Baliwag Municipal Information Communication and Technology Office (MICTO) upang maging awtorisadong makalabas ng kanilang mga tahanan.

Ito ay magagamit kapag ang nasabing indibidwal ay pupunta sa mga commercial establishment at mga pamilihan.

Madali naman malalaman kung sila ay pwedeng lumabas o hindi sa pamamagitan ng IamSafe QR scanner na siya namang gagamitin ng mga establisimyento base sa nakapaloob na guidelines mula sa Baliwag IATF.

Ayon kay Mayor Ferdie Estrella, upang makasama sa listahan ng ita-tag ay kailangang isumite ng barangay ang mga pangalang nag-apply mula sa isang pamilya sa Baliwag Municipal ICT Office.

“To prevent the influx and gathering of people in various establishments, clustering will be strictly enforced in the Pamilihang Bayan, talipapa (Concepcion, San Jose, Sagrada Familia, Sta. Barbara, Tiaong, Ron-Ron etc.) and supermarkets. The IAMSAFE web application is made for quick contact tracing in the town of Baliwag ” ani Estrella.

Ito umano ay isang modernong teknolohiya kung saan maiiwasan ang manual registration sa public places at commercial establishments, at isang paraan din ng mabilisan at mas wastong
pagkakakilanlan sa mga personalidad na nagkaroon ng physical contact sa isang COVID-19 positive.

“With the said system, just one click can immediately see the people who are accompanied by a positive patient in one place, and because of the information they registered in their IAMSAFE
account, they can be easily alerted or contacted by the Contact Tracing Team for appropriate medical advice,” ayon sa alkalde.

Sinabi naman ni Enrique Tagle, Municipal Information Officer, na umaabot na sa 173,491 sa ngayon ang gumagamit ng IAMSAFE QR Code na isang mabisang paraan n upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing infectious disease.

Dagdag pa ni Tagle na ang automated registration gamit ang QR scanner ay ginagamit na rin ng government offices ng Baliwag, simbahan, markets, supermarkets at iba pang mga commercial
establishments sa mga walk-in client. (ELOISA S. SILVERIO)

139

Related posts

Leave a Comment