DIGONG IDINEPENSA KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG NG BANATEROS

digong

IPINAGTANGGOL ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang vloggers na sina Banat By, Coach Oli at Boss Dada na kilala bilang Banateros Brothers, hinggil sa ginawang panayam ng mga ito sa isang kontrobersyal na dating opisyal ng gobyerno.

Ginawa ito ng dating Pangulo sa huling episode ng “Gikan sa Masa” sa SMNI kamakailan,

Ayon kay Duterte, ang kalayaan sa pamamahayag ay isa sa mga haligi ng demokrasya na dapat pangalagaan sa bansa. Binigyang diin niya na sa ilalim ng demokrasya, mayroong mga karapatan na hindi dapat bawiin sa sinomang mamamahayag, kahit pa ito ay may kaugnayan sa anomang kasong legal. Ipinahayag niya ang kanyang suporta sa Banateros Brothers, at binigyang diin na walang hadlang sa kanilang karapatan na mag-interview at maglabas ng kanilang mga opinyon sa mga nangyayari sa lipunan.

Naging bantog ang Banateros Brothers sa pagbibigay ng kanilang komentaryo ukol sa iba’t ibang mga isyu sa bansa.

Ayon kay Duterte, kahit ang isang pugante o banyagang manunulat ay mayroong karapatan na maglabas ng kanilang mga opinyon, na kinikilala bilang bahagi ng kalayaan sa pamamahayag.

Aniya pa, ang sinomang mataas na opisyal, maging ang pangulo ng bansa, ay hindi maaaring ipa-contempt of court ang mga mamamahayag dahil sa kanilang opinyon, lalo’t ang mga ito ay haligi ng demokrasya.

Ang pahayag na ito ni dating Pangulong Duterte ukol sa kalayaan sa pamamahayag at pagtatanggol sa Banateros Brothers, ay nagpapakita ng kanyang suporta sa prinsipyong ito, na ang layunin ay mapanatili ang integridad ng demokrasya at karapatan ng bawat Pilipino na magpahayag ng kanilang mga opinyon, bagama’t ito ay hinggil sa kontrobersyal na mga isyu.

163

Related posts

Leave a Comment