INIHAYAG ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na kung hindi kaagad kikilos ang Department of Health (DOH) upang masugpo ang pagkalat ng corona virus 2019 (COVID-19) sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) at iba pang katulad na pasilidad, mas marami pa ang mamamatay.
Sa pahayag, sinabi ni Recto na nakatatak sa bawat damit ng mga preso sa NBP ang letrang PDL na ibig sabihin ay “Persons Deprived of Liberty,” kaya dapat lamang na tiyakin na hindi ito mapapalitan ng “Person Deprived of Life.”
“Our congested jails—where prisoners are no longer packed like sardines, but are stuffed like Spam in a can — are petri dishes for the coronavirus,” ayon kay Recto.
Aniya, itinayo ang kulungan upang pagbayarin ang mga nagkasala sa batas ng kanilang kalayaan pero hindi ng kanilang buhay. “Layunin ng restorative justice ay pagbaguhin sila, at hindi sila isailalim sa cremation”.
“Our jails are full of people charged with petty crimes, like small-scale estafa or possession of a stick of marijuana. Although there is no verdict yet, they, however, are in real danger of being sentenced to death by COVID,” giit ni Recto.
Nitong Setyembre noong nakaraang taon, mayroong congestion rate ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng 386 porsiyento at mayroon naman na 278 porsiyento ang Bureau of Corrections (BuCor).
“Imagine this: the average prisoner cell space in the Philippines is 0.87 square meter, wala pang kalahati ng folding bed,” aniya.
“The virus does not discriminate on who to hit in these tight confines. The guard and the guarded are both vulnerable. In fact, hundreds of BJMP personnel had tested positive. It is in the public’s interest that jails be COVID-free so jailors will not bring it back to their homes and communities,” paliwanag ng mambabatas.
Sinabi ni Recto na wala pang bakuna laban sa sakit, pero kung pag-uusapan ang kulungan, mayroon silang non-medical option na gagawin upang maiwasan ang pagkalat ng virus – palayain ang lahat ng nakamit ang minimum jail time, matatanda, may-sakit at makakalimutin.
Tinalakay ng 2014 Supreme Court circular ang guidelines sa provisional release ng preso na hindi gumagalaw ang kaso sa korte. Aniya, may pagkakataon na palawakin ito upang sakupin ang mga kuwalipikadong detainees, sa humanitarian grounds, kasabay ng pagbalanse sa public safety.
Sinabi pa ni Recto na may ikatlong ahensiya sa prison republic, ang Philippine National Police (PNP) na nagmamantina ng precint-level holding areas. Base sa ulat, umaabot sa 3,000 ang nakakulong na quarantine violators sa loob ng maraming buwan dahil naantala ang inquest proceedings. (ESTONG REYES)
118