CAVITE – Nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga operatiba ng Trece Martires City Risk Reduction ang Management Council sa napaulat na isang 13-anyos na Grade 8 student na umano’y tumalon sa isang ilog sa Trece Martires City sa lalawigan, nitong Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ang biktimang isang 13-anyos na Grade 8 student ng Trece Martires City National High School, at residente ng Brgy. Gregorio Trece Martires City, Cavite.
Ayon sa salaysay ng isang alyas “Angelito”, tricycle driver, binabagtas niya ang kahabaan ng Governor’s Drive dakong alas-12:20 ng umaga nang mapansin niya ang biktima na nakatayo sa gilid ng Mag-asawang Layon Bridge sa Brgy. Gregorio, Trece Martires City, at bigla umanong tumalon sa ilog na tinatayang 100 feet ang taas.
Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa mga magulang ng biktima habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
(SIGFRED ADSUARA)
175