GUN RUNNER TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION

ARESTADO sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Raxabago Police Station 1, ang isang 23-anyos na jobless matapos bentahan ng baril ang poseur buyer sa Mel Lopez Boulevard Barangay 105,Tondo, Manila, noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Sherwin Cabalda, binata, residente ng Vitas Tondo, Manila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang ala-1:00 na madaling araw nang madakip ang suspek sa ikinasang buy-bust sa naturang lugar sa pangunguna nina Police Captain Aldeen Legaspi, hepe ng Follow-Up Unit; Police Staff Sergeant Ramil Langa, team leader, at Police Corporal Guiller Traquena na umaktong poseur buyer.

Si Cabalda ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to BP 881 (Omnibus Election Code).

(RENE CRISOSTOMO)

192

Related posts

Leave a Comment