LUMALAKAS ang bagyong Hanna palapit sa Batanes province, kung saan niyanig ng lindol noong nakaraang linggo, ayon sa weather bureau.
Bandang alas-3:00 ng madaling araw, si Hanna ay nasa 940 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan, bitbit ang maximum sustained winds na 75 kilometers per hour at 90 kph na pagbugso, ayon sa Pagasa.
Sa loob umano ng 72-oras, sinabi ni Pagasa weather specialist Ariel Rojas na magiging bagyo na ito sa 575 kilometers east northeast ng Batanes.
Palalakasin ni Hanna ang habagat o southwest monsoon kung saan magbibigay ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Cavite, Batangas, at Mimaropa ngayong Lunes, babala pa ng Pagasa.
Ang Metro Manila, Ilocos, the Cordilleras, Central Luzon, Bicol, Western Visayas at iba pang bahagi ng Calabarzon ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat, ayon pa sa weather bureau. Magkakaroon din ng maulap na papawirin na may pag-ulan sa Cagayan Valley habang ang Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas ay makararanas ng localized thunderstorms, ayon pa sa Pagasa. (PHOTO BY KIER CRUZ)
207