NAGKAISA ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang palakasin ang security awareness tungo sa kaligtasan ng mga biyahero.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group Director Police B. General Jack Wanky, ang layunin ng kanilang grupo ay upang maging maayos at masiguradong ligtas sa kapahamakan ang lahat ng mga pasahero na papasok at palabas sa NAIA.
Ito’y naisakatuparan matapos ang nangyaring insidente kung saan isang hindi kilalang suspek ang naghagis ng molotov bomb sa parking area ng NAIA Terminal 3 noong nakaraang araw.
Naging sanhi ito sa pagkabasag ng windshield ng isang Toyota Fortuner na tinamaan ng molotov bomb at pagkadamay ng dalawa pang magkatabing sasakyan.
Sa kasalukuyan, blangko pa ang mga awtoridad hinggil sa pagkakilanlan ng suspek kung kaya’t patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang responsable sa krimen.
(FROILAN MORALLOS)
131