KASO SA DOJ NG DRUG ADDICT INAARBOR NG PCSO OFFICIAL

GINAGAPANG ng isang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kaso ng teroristang drug addict sa Department of Justice (DoJ).

Ito ang panibagong iskandalo na hinaharap ng PCSO kasunod ng kontrobersiya hinggil sa P340 million advertisement fund nito na kinuwestiyon sa Kamara.

Ayon sa impormasyon ng SAKSI Ngayon, bukod sa ‘criminal case,’ isa ring civil case na may kinalaman naman sa paghabol sa multi-billion peso na halaga ng ari-arian ng kanyang kaibigan ang ginagapang din ng PCSO official.

Nabatid na dalawang ‘undersecretaries’ mula sa DoJ ang kinausap umano ni PCSO official para magkaroon ng ‘hokus pokus’ sa kaso ng kanyang kaibigan. Bilang kapalit, nangako umano ito na magbibigay ng milyong pisong halaga.

Lingid sa opisyal, ang kaibigang adik mismo ang ‘sumusunog’ sa kanya dahil iniyayabang at ibinibida nito sa kanilang mga kaibigan na ‘naayos’ na ang kanyang kaso ng dalawang Usecs, gayundin si Justice Secretary Boying Remulla.

Ipinagmamalaki ng akusado na kung kaibigan ni PCSO official sina Remulla at mga Usec, ay karantso naman nito ang anak ng Justice secretary na nasangkot at pinawalang sala naman nang mahulihan ng PDEA ng halagang P1.3 million high-end marijuana.

Ang nasabing PCSO official ay madalas namang gamitin ang pangalan ni First Lady Araneta-Marcos.

Kamakailan, nagisa ang ilang opisyal ng PCSO nang mabunyag sa budget hearing sa Kamara na ang dating P19 million lamang na gastos sa advertisement ay umabot ngayon sa P340 million.

Pinagpapaliwanag siłą ni Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes kung bakit umabot ng ganito kalaking halaga ang gastos sa pagpapa-anunsyo ng PCSO.

Nakapagtataka, ayon sa mambabatas na tumaas sa 1,689 percent ang gastos ng government-owned and controlled corporation sa kabila ng naiulat na nagtamo lamang sila ng net loss na nasa P938 million.

Noong nakalipas na taon ay nasangkot din sa kontrobersiya ang PCSO dahil sa pagkapanalo ng 433 katao sa Grand Lotto 6/55 draw na maghahati-hati sa jackpot prize na P236.091 milyon.

Ang pangyayaring ito ay pinagdudahan ng taumbayan dahil wala pa sa kasaysayan ng bansa o buong mundo na 433 ang sabay-sabay na manananalo sa isang lotto number.

273

Related posts

Leave a Comment